PatrolPH

Ilang mga pasahero sang-ayon sa P1 dagdag pasahe

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2022 07:55 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Mula P9, tinaas na sa P10 ang minimum fare ng mga jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4 ngayong Huwebes.

Ayon sa LTFRB, ito ay ipinapatupad dahil tinatamaan ang mga tsuper nang husto ng walang prenong pagtaas sa presyo ng krudo.

Hindi naman umalma ang ilang pasahero sa karagdagang piso na bayad sa pamasahe.

Pero kung para sa mga pasahero maliit ang increase, ganon din ang saloobin ng mga tsuper

Kwento nila, hindi kasi sapat ang karagdagang piso dahil naka-ilang taas na ng presyo ng diesel pati na rin ang ilang pangunahing bilihin.

Bago kasi ito nagmahal ng halos P7 nitong Martes lang, ayon sa mga tsuper sa magdamag na biyahe P300 hanggang P500 lang nauuwi nila.

Giniit ng mga driver na kung hindi mababaan ang presyo ng petrolyo, itaas ang pamasahe sa P5.

Sinabi naman ng LTFRB na diringgin pa rin nito ang hiwalay na petisyon na inihain ng mga transport group para sa dagdag na P5, na nakatakda sa katapusan ng Hunyo.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.