ALAMIN: Bilihan ng murang uniporme, matibay na sapatos

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2017 01:18 AM | Updated as of Jun 03 2017 03:08 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, patok na dinarayo ngayon ng mga estudyante at mga magulang ang mga kilalang bilihan ng murang sapatos uniporme para makatipid.

Marami nang namimili ng uniporme sa Commonwealth Market dahil doon daw nakakamura ang mga magulang.

100 pesos lang ang pinakamaliit na size ng uniporme roon, habang nasa 170 pesos naman ang pinakamalaking size, pero puwede pang maaari pang tumawad ng hanggang bente pesos kada piraso.

Isang bazaar naman ang binuksan ng lungsod ng Marikina, ang 'Shoe Capital' ng bansa.

Dinarayo ito ng mga mamimili para sa mga matitibay at de kalidad na mga sapatos.

Malawak ang range ng presyo ng mga sapatos sa Marikina. Sa budget na 350 pesos, makabibili na ng sapatos na may sythetic leather. Kung gusto naman ng totoong leather, 650 pesos hanggang 1,000 piso mahigit ang presyo.

Matatagpuan ang shoe bazaar sa Freedom Park ng Marikina. Tatagal ito hanggang Hunyo 14, 2017.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.