PatrolPH

Mga problema sa labor walang 'instant solution': incoming DOLE secretary

ABS-CBN News

Posted at May 27 2022 11:40 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Walang "instant na solusyon" sa problema sa labor, ayon sa darating na Department of Labor and Employment (DOLE) secretary, pero sisikapin niya umano mabigyan ng solusyon ang bawat problema.

Ayon kay Bienvenido “Benny" Laguesma, ang napiling labor secretary ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., hindi pa rin nagbago ang mga problema noon dahil ganon pa din sa kasalukuyan, kagaya ng presyo ng bilihin, unemployment at kulang na pasahod.

Aniya, ang una dapat na gawin ay dapat na kuhanin ang hinanaing ng grupo ng manggagawa at hanay ng mga namumuhunan.

Saad ni Laguesma, hindi masama ang contract employment pero ang masama ay ang pag-abuso ng mga employer sa contractual employment.

Giit niya, dapat na balansehin ang mga polisiya sa bawat rehiyon sa bansa upang dumami ang trabaho, at mahikayat ang mga foreign investor na mag-invest sa bansa.—SRO, TeleRadyo, Mayo 27, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.