Home > Business Game app makers, crypto institution nagturo ng 'play-to-earn', crypto currency ABS-CBN News Posted at May 20 2022 10:54 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Simula nang magpandemya ay marami sa mga kababayan natin ang nawalan ng pagkakakitaan, kaya naging patok sa ilan ang mga game apps kung saang naglalaro na sila, kumikita pa sila ng pera gamit ang digital currency o crypto currency. Pero dahil marami ang hindi masyadong pamilyar sa kalakaran sa makabagong teknolohiya, marami ang nabibiktima ng scam. Nagsanib pwersa ang ilang mga game app makers at crypto institutions para mas maging pamilyar ang mga Pinoy dito. Filipina entrepreneur leads NFT platform where students 'learn to earn' Sa NFT Metaverse event sa Paranaque City, tinuro ng ilan sa mga eksperto dito kung papaano mas maging bihasa ang mga Pinoy sa paggamit ng mga crypto currency at maging ng mga non-fungible token (NFT) na isa sa mga nauusong pagkakakitaan ngayon. Tinuro rin nila kung ano ang mga play-to-earn apps na mas ligtas gamitin ng mga nais kumita, na hindi mabibiktima ng mga hacker. Pero dahil hindi sapat ang isang araw para tuluyang maturuan ang mga nais maging bihasa sa kalakaran ng digital currency, nagpaplano rin ng organisasyon na makipag tie-up sa Department of Information and Communications Technology para mas marami pa ang makaalam sa teknolihya at mga posibleng oportunidad tungkol dito.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Paranaque NFT crypto currency play to earn digital currency non-fungible token