PatrolPH

Toll hike sa Cavitex simula na sa Mayo 22

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 08:45 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Ipatutupad na ang dagdag singil sa Manila–Cavite Expressway o Cavitex R-1 segment ngayong Linggo, Mayo 22.

Ayon sa Cavitex Infrastructure Corporation at joint venture partner Philippine Reclamation Authority, ipinagpaliban muna nila ang toll hike noong Mayo 12 para mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga driver at operator ng public utility vehicles na makapagrehistro sa kanilng toll reprieve program.

Ang toll reprieve program ay nagpapahintulot sa mga driver at operator ng PUV na bayaran pa rin ang lumang toll rates na P25 para sa Class 1 vehicles at P50 para sa Class 2.

Ang rebate program ay tatakbo sa loob ng 90 araw mula sa pagpapatupad ng mga bagong toll rates.

Simula sa Linggo kasi ang mga sasakyang dadaan sa Cavitex (R1) Segment – Paranaque Toll Plaza ay sisingilin ang P33 para sa Class 1, P67 sa Class 2 at P100 sa Class 3.

Paliwanag ng toll operator, kasama sa panibagong rate ang 2011 at 2014 periodic toll petition pati na ang add-on toll petition para sa mga pinagawa sa expressway, katulad ng bridge lane at road widening.—Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.