PatrolPH

Dagdag P33 sahod nakabase sa ‘poverty threshold’: NWPC

ABS-CBN News

Posted at May 19 2022 03:10 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Ang P33 dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila ay nakabase sa "poverty treshold", ayon sa isang opisyal ng National Wages And Productivity Commission.

Ayon kay Maria Criselda Sy, executive director ng NWPC, isinaalang-alang ng regional wage board ang pangangailangan ng isang pamilya, kapasidad ng employer na magbayad, at economic development sa pagtataas ng minimum wage.

Hindi umano kakayanin ng mga kumpanya o mga maliliit na negosyo ang hinihiling na dagdag sahod ng mga labor group.

Aniya, ang dagdag sahod ay napagkasunduan ng regional wage board. –SRO, TeleRadyo, Mayo 18, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.