PatrolPH

Meralco bukas sa mga reklamo sa bill

ABS-CBN News

Posted at May 18 2020 10:25 AM

Watch more on iWantTFC

Inanunsyo ng Meralco, Lunes, na handa itong tumanggap ng mga reklamo at katanungan ukol sa mga bill para sa 2 buwan na nag-lockdown ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa para pigilin ang COVID-19. 

Ipinaliwanag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na "estimate" o tantiya lang ang konsumo ng kuryente para sa Marso at Abril, na isinama sa bill ngayong Mayo. 

"Magse-self correct" naman aniya ito dahil lalabas sa susunod na bill ang aktwal na konsumo para sa mga naturang buwan. 

"Kung sa tingin nila, mayroong issue iyong kanilang bill, ipaabot na lang muna iyong issue sa amin. We will sort that out," ani Zaldarriaga sa panayam ng DZMM. 

"Wala naman tayong gagawing disconnection at this point dahil ang concentration natin ngayon ay tuloy-tuloy ang daloy ng kuryente," dagdag niya. 

DZMM, Mayo 18, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.