PatrolPH

Commercial e-sabong magsisimula ngayong buwan: PAGCOR

ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 10:50 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Papasukin na rin ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang regulasyon ng online sabong matapos ang pagsasara ng mga casino at iba pang pasugalan bunsod ng COVID-19.

Magsisimula ang full commercial operations ng e-sabong operators ngayong buwan, ayon kay PAGCOR chairman and chief executive officer Andrea Domingo.

Meron pa lamang 2 operator na nabigyan ng permiso para mag-operate, matapos makumpleto ang requirements kabilang ang performance bond na P75 million. Apat pang operators ang nag-aaply, ayon kay Domingo.

Tinatayang aabot sa P250 milyon hanggang P350 milyon kada buwan ang maaaring kitain ng PAGCOR sa naturang sugal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.