Home > Business LPG prices hike Holy Wednesday Posted at Apr 18 2011 10:58 PM | Updated as of Apr 19 2011 08:32 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Kalagitnaan pa lang ng Abril pero nag-anunsyo na ulit ng umento sa presyo ang LPG Marketers Association. Piso kada kilo o P11 kada 11-kilogram na tangke ang umento ng grupo sa Miyerkules Santo. Naka-dalawang piso kada kilo na ang iminahal ng LPG nitong Abril. Ang bad news, may kasunod pa raw ito sa Mayo. "Inuunti-unti na nilang itaas para hindi na magiging mabigat, instead of one-time increase," ani Representative Arnel Ty ng LPGMA. Nagbabadya ring tumaas ang presyo ng diesel at gasolina ngayong linggo. May pakiusap naman ang mga transport group. "Mahal na Araw naman, baka puwede naman silang magpahinga," ani George San Mateo, secretary-general ng Piston. "Sana 'yung mga kumpanya ng langis, magkaroon ng konsiyensiya at mag-reflect." Sa kuwenta ng Department of Energy, nasa 16 centavos kada litro lang ang dapat itaas sa diesel; at 39 centavos naman sa gasolina. Sa kuwenta naman ng ilang oil company, aabot sa mahigit 30 centavos ang dagdag-presyo sa diesel; at mahigit 50 centavos naman sa gasolina. "Kung puwede lang, 'wag na muna silang mag-increase pero sa kanila pa rin ang desisyon," sabi naman ni Director Zenaida Monsada ng Oil and Industry Management Bureau ng DOE. Mula Enero, sumipa na ng halos P10 ang presyo ng diesel. Lagpas P7 naman ang iminahal ng gasolina. Isang independent oil player pa lang, ang Eastern Petroleum, ang nangakong hindi muna gagalawin ang presyo ngayong linggo. Wala pang anunsyo ang ibang kumpanya kung ibabalato na lang sa motorista ang dapat itaas sa presyo ng diesel at gasolina ngayong Semana Santa. Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Business,PISTON,philippines,oil price hike,lpg,tv patrol,Department of Energy,LPGMA,Lent,Alvin Elchico,latest video,Abril 18 2011 Read More: PISTON philippines oil price hike lpg tv patrol Department of Energy LPGMA Lent Alvin Elchico latest video Abril 18 2011