PatrolPH

Ilang kamatis sa Nueva Vizcaya, pinamimigay dahil sa oversupply

ABS-CBN News

Posted at Apr 13 2023 12:30 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Ipinamimigay na ng lokal na pamahalaan ng Nueva Vizcaya ang ilang mga kamatis sa kanilang lugar dahil sa oversupply ng ani nito. 

Sa isang panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) General Manager Gilbert Cumila na hindi madaling mabenta ang mga maliliit na kamatis. 

“Yung 100 kilo kada araw merong bumabyahe palabas. Pero yung mga hindi nabibili yung mga small at tiyaka medium. So lahat naman ng big at half ripe ay nabibili,” aniya.

Kuwento ni Cumila, binibili nila ang mga kamatis sa mga magsasaka at ibinibigay ito sa mga kalapit nilang lokal na pamahalaan.

“Itong initiative namin dito sa NVAT ay binibili namin ng kahit P4 at pinapamigay namin sa mga partner (local government units) na nag-distribute.”

Sapat din aniya ang suplay ng ibang gulay sa lalawigan, ayon kay Cumila.

--TeleRadyo, 13 April 2023
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.