Home > Business Magsasaka sa Nueva Ecija lugi sa pagbaha ng imported sibuyas ABS-CBN News Posted at Apr 06 2022 12:43 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA — Umaaray ang isang magsasaka sa Rizal, Nueva Ecija na nalulugi dahil sa bagsak-presyo ng sibuyas. "Wala hong kumita. Puro lugi dahil may imported na [sibuyas]," ani Mario Rillon sa panayam sa TeleRadyo ngayong Miyerkoles. Ang pagbaha ng imported na sibuyas sa mga pamilihan ang itinuturong niyang dahilan sa kawalan ng mamimili. PANOORIN: Sibuyas na nabubulok sinunog ng mga magsasaka Naglalaro ang farm gate price ng lokal na sibuyas sa P16 hanggang P18 kada kilo sa kanilang lugar. Ayon kay Rillon, nakaimbak na lang ang mga ani. "Iimbakin ho namin. Baka panggamit nalang ho namin. Wala hong magagawa dahil wala naman silang pakialam sa amin," aniya. Local na sibuyas bagsak-presyo; mga warehouse puno ng imported na sibuyas Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Kabayan, Tagalog news, regions, regional news Read More: TeleRadyo Kabayan Tagalog news sibuyas onion farmer magsasaka Rizal Nueva Ecija presyo ng sibuyas importation regions regional news