Home > Business Dahil sa oil price hike, tricycle driver tumigil sa pamamasada para maging fruit vendor ABS-CBN News Posted at Mar 30 2022 06:47 AM | Updated as of Mar 30 2022 08:38 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA – Sa loob ng halos isang dekada, pamamasada ng tricycle ang ikinabuhay ni Sabas Lucban na residente sa Barangay Central sa Quezon City. Pero napagdesisyunan niya nang ibenta ang kaniyang tricycle dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina. Kaniyang ipinuhunan ang pera sa pagbili ng kariton at panindang prutas. Nitong Martes ay nagkaroon na naman ng panibagong oil price hike kung saan nadagdagan ng P3.40 kada ang presyo kada litro ng gasoline, P8.65 sa diesel, at P9.40 sa kerosene. Finance advocate shares financial tips amid rising gas prices Inabisuhan na ng Department of Energy ang publiko sa posibleng tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis. Nag-ugat ito sa epekto ng pagtaas ng import cost sa bansa. – Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, oil price hike Read More: oil price hike gasolina prutas tricycle driver langis diesel