PatrolPH

Mga transport group ipinasususpinde ang excise tax sa produktong petrolyo

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2022 04:50 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Hinihiling ng ilang public transport groups ang pagsususpinde ng excise tax sa produktong petrolyo kasunod ng malakihang oil price increases at patuloy na bakbakan sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon kay Mar Valbuena, presidente ng Samahang Manibela, Mananakay at Nagkakaisang Terminal ng Transportasyon, ang mga ibang driver at operator ay kusa nang tumigil sa pamamasada dahil kulang ang kinikita nila pambili lang ng diesel.

Ayon naman kay Jobert Bolanos, chairperson ng Motorcycle Rights Organization, hindi pananakot ang tigil-pasada ng ilang mga driver pero sadyang ito na ang riyalidad na hinaharap ng bansa dahil sa taas presyo ng gasolina.

Nanawagan si Bolanos ng isuspinde ang excise tax sa mga productong petrolyo habang mataas pa ang presyo ng mga ito. dahil band-aid solution lang umano ang pagbibigay ng ayuda. 

Sinang-ayunan ito ni Valbuena, dahil ang subsidiya na ibinibigay umano sa mga namamasada ay pang 10 araw lang. 

Humingi sila ng pasensya sa mga mananakay sa paghihirit nila ng dagdag-pasahe pero sadyang kailangan umano ito ng mga namamasada.—SRO, TeleRado, Marso 10, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.