Pork vendors sa New Arayat Market, nais din makakuha ng murang baboy mula sa DA

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 09:21 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patuloy na nananawagan ang mga nagtitinda ng baboy sa New Arayat Market sa Quezon City sa Department of Agriculture na pansinin naman sila.

Hiling nila na sana ay maambunan din sila ng mga murang supply ng baboy para makasunod sila sa ipinatutupad na price ceiling.

Hindi kalakihang palengke ang New Arayat Market. Apat na lamang ang nagtitinda ng baboy doon matapos magsara ang ilang meat vendors dahil hindi na kinaya ng mga nagtitinda ang taas ng puhunan at tumal ng benta.

Bagamat may ilan pa rin ang nakikipagsapalaran sa pagtitinda sa palengke, aminado sila na kadalasan ay hindi nila nauubos ang kanilang panindang baboy.

Nasa P190-P200 na ang presyuhan nila sa kasim, habang pumalo na sa P320 kada kilo ang presyo ng liempo.

Ang iba ay hindi rin sumali sa pork holiday dahil kailangan pa rin kumita para may pambayad sa pwesto na P800 kada araw na renta.

Samantala, ang halaga ng manok sa naturang palengke ay nasa P190 na kada kilo. Wala namang paggalaw sa presyo ng isda kung saana ng tilapia ay nasa p120 kada kilo; galunggong, P280 kada kilo; bangus, P150-160 kada kilo; at tulingan, P280 kada kilo. 

- TeleRadyo 23 Pebrero 2021