Duterte sa mga water concessionaire: Ibalik niyo ang pera mula sa maanomalyang kontrata

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 12:48 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water at binalaang makikipag-usap lamang ito sa kanila kung ibabalik ang perang nakolekta mula sa mga umano’y maanomalyang kontrata nila sa gobyerno. 

Ilang ulit nang binatikos ng pangulo ang mga concessionaire dahil sa umano’y dekadang pangongolekta sa mga consumer para sa pagpapagawa ng sewage treatment plant pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito natutupad.
    
Inulit din ng pangulo ang kaniyang banta na itetake-over ang operasyon ng mga water concessionaire.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 7 Pebrero, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.