Tourist carrying capacity ng Boracay gustong pataasan
ABS-CBN News
Posted at Feb 04 2023 02:34 AM
MAYNILA - Nais ng tourism stakeholder sa Boracay na payagan pa ang pagdating ng mas maraming turista sa islang hinirang na "Most Instagrammable".
"Yun po ang pinaglalaban sana namin, na makapag-revisit ang ating national government on how it's going to be done. And they could probably involve us so that we would also know as to papaano nila na-compute ang carrying capacity natin," sabi ni Dindo Salazar, chairman ng Boracay Foundation Inc., nitong Biyernes.
Sa kasalukuyan, nasa 6,400 na mga turista kada araw ang maaring tumuntong sa Boracay, sang-ayon sa patakaran ng pamahalaan. Ipinatupad ang capacity limit sa tanyag na isla matapos itong isailalim sa rehabilitasyon noong Duterte administration.
"They have done a lot of things also to improve the facilities in Boracay. And that's the only and main reason for them to give us a higher carrying capacity - because of these projects," sabi ni Salazar.
Aniya, hiling nilang taasan ang capacity ng Boracay sa turismo para makabawi sa lugi nila noong pandemya.
Nais nilang payagang tumanggap ang isla ng 8,000 hanggang 10,000 turista kada araw, na siya umanong pinag-aaralan naman ng pamahalaan sa kasalukuyan.
Sa ngayon, nasa 30-40% lang ng mga kuwarto sa mga hotels at resorts sa Boracay ang napupuno.
Nitong 2022, umabot sa 1.7 milyong turista ang bumisita sa Boracay, sabi ni Salazar.
- SRO, TeleRadyo, Peb. 3, 2023
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TeleRadyo, Tagalog news, PatrolPH, regions, regional news