Rebulto ni Catriona Gray, balak itayo sa Albay

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 12:10 AM | Updated as of Jul 16 2019 04:57 PM

Watch more in iWantTFC

Wala mang katiyakan kung makakauwi sa Oas, Albay si Miss Universe Catriona Gray, nakahanda na ang lokal na pamahalaan para bigyan ng hero's welcome ang beauty queen.

May malaking tarpaulin na sa harap ng munisipyo at nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan sa local artists sa Albay para bumuo ng statue ni Gray.

"Ang objective lang namin dito eh ma-remind yung kada isa ho dito sa amin na kami nagproduce kami ng Miss Universe, ah hindi lang ho yung sa amin kundi yung mga next generations," ani Oas Mayor Domingo Escoto.

Ngayong Pasko, hiniling naman ng mga residente na makasama ang Miss Universe.

"Nakikiusap po ako sa ngayon na kumbaga after na makapag-sign ng contract si Ms. Catriona Gray muli po siyang bumalik dito sa Oas para aming salubungin nang masaya at maging masaya ang aming pasko dahil sa kaniyang nareceive na korona," ani Ronald Reamon, isang residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.