PatrolPH

VIRAL: Babae, nagpropose sa kasintahan

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 11:27 PM | Updated as of Dec 20 2018 09:25 PM

 

Nag-trending sa social media ang video ng isang babae na nagpropose sa kaniyang kasintahan sa North Cotabato.

Nakilala ang magkasintahan na sina Mary Joy Ramirez at Khrys Janzen Garcia.

Tatlong taon na simula nang magkakilala ang dalawa sa Facebook at nitong Nobyembre lang ay naging opisyal na magkasintahan.

Hindi akalain ni Garcia na ang simpleng birthday surprise ng kaniyang kasintahan ay isang proposal na pala.

Itinaon kasi ni Ramirez ang proposal kay Garcia sa birthday nya sa charity ride nila sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

"First ko na mga babae sila nagbigay ng flower para ako babae nito grabe di ko makuan ang feelings naiiyak na kinikilig," aniya.

Watch more on iWantTFC

"Nakita ko po sa kaniya na gentleman siya kahit di naman talaga ng matagal, ayoko ko po na sinurprise ako kaya inunahan ko na siya na ako 'yung magpropose," ani Ramirez.

Nakahiligan ng dalawa ang pagdadrive ng motor sa katunayan ay miyembro sila ng Mindanao United Motorcycle Mix Club.

Naiiba man sa ordinaryong proposal, nais ipakita ni Ramirez na ang mga babae ay may kakayahan ding magpropose.

"Sa mga babae ang masasabi ko lang po kung mahal niyo ang isang lalaki mag-effort din po kayo na di naman kayo sinasabi na lage yong lalake nage-effort .... kasi siya po palage nagsusurprise sa akin kaya binalik ko lang," ani Ramirez.

Dalawang buwan pa lang na magkasintahan ang dalawa at anila hindi naman sa tagal na pagsasama ang pagpapakasal nasa pagibig at tiwala ng isa't isa.

Nakatakdang magpapakasal ang magkasintahan sa susunod na buwan sa gabay at pahintulot ng Panginoon, sa ngayon, ay mas pag-iigihan pa nila ang kanilang trabaho upang makaipon.

Pumalo na sa mahigit 2.5 million views at mahigit 60,000 shares ang video sa Facebook.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.