UAAP finals: UP, Ateneo fans ibinida ang 'school pride' sa Facebook

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2018 05:34 PM | Updated as of Dec 01 2018 10:52 PM

Bago pa magsimula ang Game 1 ng "Battle of Katipunan" sa hardcourt, dala na ng fans ng University of the Philippines Fighting Maroons at Ateneo de Manila Blue Eagles ang bakbakan sa Facebook para ibandera ang kanilang school pride. 

Sa bisperas ng tunay na bakbakan, nagsipalitan ng kanilang mga profile picture sa Facebook ang mga estudyante at ilang alumni ng dalawang unibersidad para ibandera ang suporta sa kanilang eskuwelahan. 

Halatang gutom sa kampeonato ang UP fans matapos ang 32 taong title drought sa sigaw nilang #UPFight. 

 Jillian Velasco
 Alain Jeff Nonod

Hindi naman nagpatalo ang mga taga-Ateneo sa battlecry na #OneBigFight sa pagdedepensa ng titulong hinawakan nila mula Season 80. 

Niels Nable
Katrina Camille

UST, Miriam may gimik din

Pero hindi lang UP at Ateneo ang nakisama sa gimik. 

May gimik din ang Miriam College na pumapagitna sa UP at Ateneo sa Katipunan Avenue. Binansagan nito ang sarili bilang "referee" sa pagitan ng dalawang koponan. 

From Dianne Camille Añonuevo

Hindi man nakapasok sa Final 4 sa nakalipas na tatlong taon, may pakulo rin ang mga taga-University of Santo Tomas sa pagsali sa girian habang binabati ang Ateneo at UP. 

From Jerchiella Corpuz

Tatlong taon na ang nakalilipas pero mapait pa rin sa ilang Tomasino ang pagkatalo sa huling Final 4 at Finals appearance ng unibersidad sa liga. 

From Louriz Samonte

Maaaring mapanood ng live ang laro sa ABS-CBN Channel 2 at sa S&A Channel 23. Aandar naman ang streaming sa iWant at sports.abs-cbn.com para sa mga viewer abroad. 

-- Ulat ni Angela Coloma, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.