PANOORIN: Mga aso, taga-hila ng kariton ng amo na hirap maglakad

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2018 08:19 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kumalat kamakailan sa social media ang video ng 5 aso na hinihila ang kariton na sinasakyan ng kanilang amo na hirap maglakad sa Pigcawayan, North Cotabato.

Kuwento ni Vicente Tabujara Jr., 64, mag-isa siyang nakatira sa bahay at nahihirapang maglakad mula nang maaksidente sa trabaho bilang welder kaya nagpapahila siya minsan sa mga alagang aso.

Gulay at organic food ang pinapakain niya sa mga aso na sinimulan niyang alagaan noong 2010.

"Di baleng di ako makakain, sila muna kakain. Mas mahalaga [sila] sa buhay ko," ani Tabujara.

Umani naman ng sari-saring reaksyon sa social media ang video. May mga natuwa rito, pero may ilan ding nagsabi na naaabuso ang aso.

Para sa veterinarian na si Dr. Charlimagne Fugata na nag-post ng video, walang pagmamaltrato sa mga aso.

Aniya, "Never niyang pinapalo, sa kanya, yun lang sinasabihan. Kasi isa na din ako sa magre-react 'pag pinalo yung aso."

Umagang Kay Ganda, 7 Nobyembre 2018