Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga nagpaplanong subukan ang viral ngayong #InMyFeelings challenge.
Ayon sa pinuno ng MMDA Special Operations Group na si Bong Nebrija, labag sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act ang pagsagawa ng #InMyFeelings challenge.
Sa challenge, lumalabas ang kinukuhanan ng video sa isang gumagalaw na sasakyan at sasayawan ang hit song na "In My Feelings" ng rapper na si Drake.
Sa ilang video kasi, makikitang may nasasagasaan o nahuhulog sa kanilang mga sasakyan habang ginagawa ang challenge.
Papatawan ng multang P5,000 ang maaaktuhang gumagawa nito.
Payo ng mga awtoridad, unahin muna ang kaligtasan bago ang pagkakaroon ng likes sa social media.
-- Ulat nina Jeffrey Hernaez at Doris Bigornia, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, balita, MMDA, motorista, kaligtasan, In My Feelings Challenge, TV Patrol, Doris Bigornia