PANOORIN: 10,000 katao dumayo sa San Fabian, Pangasinan para mag-beach

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2018 03:05 PM | Updated as of Jan 03 2019 06:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Tinatayang nasa 10,000 katao ang dumagsa sa San Fabian, Pangasinan nitong Biyernes Santo kasabay ng long weekend para sa Semana Santa, ayon sa pagtataya ng Water Search and Rescue (WASAR) team ng nasabing bayan.

Bilang tugon, todo bantay ngayon ang iba't ibang ahensiya ng gobyerno kabilang na ang Department of Health (DOH), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine Army, at WASAR.

Dayo mula sa iba’t-ibang probinsiya ang ilang mga beachgoer habang ang iba ay lokal na nais mag-relax.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang kaso ng pagkalunod sa San Fabian.

Pinayuhan naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga namamasyal na iwasan ang pagligo sa beach nang nakainom.

Dapat din umanong bantayan nang maigi ang mga bata para maiwasan ang disgrasya. --Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.