Baka at tupa na pagala-gala sa kalsada sa Davao City, nag-viral

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 07:32 AM | Updated as of Sep 30 2018 01:12 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Tweety Lagmay

Nakuhanan ng video ang isang baka at isang tupa na pagala-gala sa gitna ng kalsada sa Bajada, Davao City.

Makikita sa video na kuha ni Tweety Lagmay ang 2 hayop na pagala-gala habang ang ibang sasakyan ay nakahinto sa may stoplight.

"Asa ang tag-iya ani, 'day?" maririnig sa video.

(Where is the owner of these livestock?)

"Asa mani sila gikan?"

(Where do they come from?)

"Hoy friendship, asa mo?"

(Hey friends, where are you off to?)

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Tweety Lagmay

Sa isang video pa rin na kuha ni Lagmay, makikita ang 2 hayop na pagala-gala sa gilid na ng daan malapit sa isang mall.

Inaalam na ng ABS-CBN News sa Davao City kung ano ang nangyari sa mga hayop.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.