PANOORIN: Tangkang pagnanakaw sa jeep, napurnada

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2018 01:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Nasapul sa videong kuha ng isang netizen ang tangkang pagnanakaw ng isang lalaki sa natutulog na katabing babae sa loob ng jeep sa Taguig. 

Sa video, makikitang tinatakpan ng backpack ng kawatan ang kaniyang kamay habang dinudukot ang wallet ng katabi. 

Maya maya, isa pang pasahero ang nakatunog sa krimen at biglang hinatak ang bag ng biktima, dahilan para maalerto ito at mapurnada ang masamang plano ng kawatan. 

"Ate, inaano ka ni kuya. Binubuksan niya 'yung bag mo," sabi ng isang pasahero. 

Agad namang pumara ang lalaki at bumaba. 

Ayon sa biktima, maaaring tinarget siya ng kawatan dahil nakatulog siya. Kalahati pa lang aniya ng kaniyang pitaka ang nahigit nito nang sitahin ng mga kapwa pasahero. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.