MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Ano ang pinagkaiba ng magnitude at intensity tuwing lindol?

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2023 07:24 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Malapit na sa inaasahan at pinaghahandaang 7.2 magnitude earthquake o “The Big One” ang 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao noong Biyernes, November 17.

Nagiging mapinsala na ang lindol kapag pumalo sa magnitude 5.

Pero ayon sa PHIVOLCS, dapat pagtuunan din ng pansin ng publiko ang intensity ng lindol dahil sinusukat dito ang magiging pinsala ng lindol sa tao at mga imprastraktura. 

Mahalaga rin sa paghahanda sa lindol ang pagtiyak sa structural integrity ng mga tirahan at gusali.

– Ulat ni Raphael Bosano, Patrol ng Pilipino