MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Bakit nakararanas ng matinding init ng panahon?

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2023 01:06 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Sa kabila ng habagat season nang mga panahong iyon, naging mainit sa ilang bahagi ng Pilipinas nitong mga nagdaang buwan ng kasalukuyang taon.

Bagong rekord para sa pinakamainit na temperatura ang naranasan ng Metro Manila sa buwan ng Hulyo na umabot sa 37 degrees Celsius nitong Hulyo 5 sa may Port Area sa Maynila. 

Sa Infanta, Quezon naman naitala ang pinakamainit na temperatura sa buong Calabarzon para sa buwan ng Agosto na umabot sa 37.7 degrees celsius noong August 17. 

Nakararanas din ng matataas na temperatura sa ibang bansa sa mga nagdaang buwan. 

Sa Pilipinas, sinasabing mas iinit pa dahil papalakas pa lamang o nagsisimula pa lamang ang El Niño. 

Kung hindi naman mapipigilan ang climate change, patuloy pang mararanasan ang matinding init sa bansa na magdadala ng mas mataas na lebel ng tubig sa mga karagatan at dagat, at mas malalakas na bagyo . 

– Ulat ni Ariel Rojas, Patrol ng Pilipino