MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: PH Coast Guard, nakalapit sa BRP Sierra Madre sa resupply mission

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2023 10:21 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA  – Naglayag kasama ng resupply team ng Pilipinas ang pinakamalaking patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Melchora Aquino sa huling resupply mission sa West Philippine Sea noong Nobyembre 10.

Nakapasok din sa Ayungin Shoal ang mga barko ng PCG at nakalapit pa sa BRP Sierra Madre sa unang pagkakataon. 

Kabilang din sa resupply mission ang BRP Cabra, BRP Sindangan, at ang dalawang inarkilang civilian supply boats.

Pumalit naman ang M/L Kalayaan sa bangkang Unaizah Mae 2 na napinsala noong nakaraang resupply mission dahil sa pagbangga ng barko ng China.

Gaya ng mga nakaraang resupply mission, ginitgit at hinarang ng China ang mga barko ng Pilipinas sa misyong ito, pero nakaabot din sila sa kanilang destinasyon.

Balak pa rin ng PCG na ipagpatuloy ang kanilang misyon sa kabila ng nararanasang pagharang.

– Ulat ni Bianca Dava, Patrol ng Pilipino