MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Bakit ipinapanukala ang ‘Sea of Asia’?

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2023 10:56 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Hindi pamalit sa West Philippine Sea kundi estratehiya para mapansin ang isyu kaugnay rito.

Ito ang layunin sa likod ng pagpanukala ng Philippine Department of Justice sa terminong “Sea of Asia”.

Ipinakilala ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos makipag-usap sa ilang eksperto sa West Philippine Sea.

Tutukuyin ng “Sea of Asia” ang karagatang sakop ng South China Sea at West Philippine Sea. 

Gagamitin ang termino sa isasampang environmental case laban sa China na bunsod ng nakitang sirang yamang dagat gaya ng corals at bahura sa Iroqouis Reef at Sabina Shoal. 

Inaasahang maisasampa ito sa Permanent Court of Arbitration sa 2024. 

– Ulat ni Adrian Ayalin, Patrol ng Pilipino