MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Usapang sex sa bahay at paaralan, dapat nga ba?

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2023 02:39 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Dahil sa patuloy na naka-aalaramang pagtaas ng teenage pregnancy sa Pilipinas, marapat na magkaroon ng sex education ang mga kabataan mula pa sa kanilang puberty stage, ayon sa Commission on Population and Development.

Kabilang dito ang pagsama ng usaping ito sa pagitan ng mga magulang at anak at maging sa mga guro at estudyante.

Taong 2019 pa nang idineklarang national social emergency ang teenage pregnancy sa bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, mas tumataas ang bilang ng mga nabubuntis na kabataang nasa 10 hanggang 15 taong gulang. 

Bukod sa pagtaas ng bilang ng populasyon, malaki rin ang epekto ng teenage pregnancy sa estado ng ekonomiya dahil sa dulot nitong intergenerational poverty. 

Pumasa na sa House of Representatives ang panukalang Adolescent Pregnancy Prevention Act nitong Setyembre 5.

Sa ilalim nito, iba’t ibang serbisyo ang matatanggap ng mga 15-18 years old nang hindi na kinakailangan ng pahintulot mula sa magulang o guardians. 

– Ulat ni Izzy Lee, Patrol ng Pilipino