MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Ano ang confidential at intelligence funds?

ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2023 09:56 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Mahigit P10-bilyon ang hiling na confidential at intelligence funds budget para sa taong 2024 ng gobyerno.

Confidential funds o confidential expenses ang tawag sa gastusin para sa paniniktik ng mga civilian agencies sa ngalan ng operasyon ng kanilang ahensiya.

Ang intelligence funds o intelligence expenses naman ang gastusin para sa pagkuha ng impormasyon ng militar at iba pang uniformed personnel para sa pagtiyak ng seguridad at kaayusan ng bansa. 

Sa pagdinig ng budget sa Kamara, pinuna ng Makabayan bloc ang pagtaas ng hinihinging budget kumpara sa mga nagdaang taon at dumaraming ahensya na humihiling nito. 

Hindi tulad ng ibang gastusin ng mga ahensiya ng gobyerno, hindi isinasapubliko kung saan ginamit ang CIF.

– Ulat ni RG Cruz, Patrol ng Pilipino