MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Binayad sa mga apektado ng oil spill, magkano?
ABS-CBN News
Posted at Sep 14 2023 01:51 AM
MAYNILA — Nagsimula nang ipamahagi ang kabayaran para sa mga residente ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng oil spill mula pa noong Pebrero.
Nasa P3,000 hanggang P70,000 ang halagang natanggap ng mga mangingisda, may-ari ng bangka, fish vendors, at maging mga taga-tourism sector ng Oriental Mindoro.
Ayon sa Protection & Indemnity Club, 800 katao na ang nakakuha ng kabayaran, habang nasa 33,000 pa ang nakahain na compensation claims.
Maaari pang mag-file ang mga apektadong residente sa susunod na 3 taon hanggang Pebrero 2026
Tinatayang mahigit P1 billion ang halaga ng mga nawala at nasira mula sa naturang oil spill, base sa datos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Dagdag pa rito ang mga nagkasakit at naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagtagas.
– Ulat ni Dennis Datu, Patrol ng Pilipino