MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Bakit tumataas ang presyo ng produktong petrolyo?

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2023 01:15 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Muling aaaray ang mga motorista sa malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Pilipinas simula Agosto 1, 2023.

Ayon sa oil companies, tataas ang diesel ng ₱3.50 bawat litro, habang ang gasolina ay tataas ng ₱2.10 bawat litro.

Kasama rin sa pagtaas ng presyo ang kerosene, na aabot ng hanggang ₱3.25 kada litro sa ilang gasolinahan.

Dulot ang panibagong dagdag-presyo ng kakulangan sa supply ng langis sa world market dahil sa pagbabawas ng produksyon ng Russia at Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC). 

Bilang ikatlo sa pinakamalaking producer ng langis, ang Russia ay pinagmumulan ng 12 porsyento ng crude oil sa mundo.

– Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino

Kaugnay na balita: