MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Paalala para iwas-food poisoning

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2023 06:22 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA — Nagpaalala muli ang Department of Health (DOH) na protektahan ang sarili at pamilya mula sa food poisoning kasunod ng isa muling kaso nito sa Metro Manila.

Iniimbestigahan pa ng local government unit ng Taguig ang nasa likod ng pagkakasakit ng higit 40 residente mula sa pagkain umano ng chicken pastil.

Inirerekomenda ng DOH na sundin ang tamang paghawak at paghahanda ng pagkain. 

Kasama rito ang pagsigurong malinis ang mga kamay bago magluto o kumain, pag-imbak ng pagkain sa tamang temperatura, at pag-iwas sa paghalo ng hilaw at lutong pagkain upang maiwasan ang cross-contamination na maaaring magdulot ng food poisoning.

— Ulat ni Vivienne Gulla, Patrol ng Pilipino [bold]