MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: 3-in-1 Coast Guard 'Kaagapay' drills sa West PH Sea
ABS-CBN News
Posted at Jun 10 2023 06:27 PM
MANILA — Itinuring na matagumpay para sa coast guards ng Pilipinas, United States at Japan ang kanilang trilateral drills sa West Philippine Sea.
Sa kauna-unahang "Kaagapay" maritime exercises, nagsagawa ng search and rescue, maneuvering drills, communication, passing, at photo exercises, at pagsasanay sa pagpapatupad ng batas pandagat.
Ipinadala ng US Coast Guard (USCG) ang vessel na USCG Cutter Stratton at patrol vessel Akitsushima naman sa Japan Coast Guard.
Ini-deploy ng Pilipinas ang BRP Gabriela Silang, BRP Melchora Aquino, at ang BRP Suluan bilang security patrol vessel.
Layunin nitong ipalakas ang kanilang samahan at mapabuti ang interoperability ng 3 coast guard.
—Ulat ni Jacque Manabat, Patrol ng Pilipino