MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Bawal na ang trans fat
ABS-CBN News
Posted at Jun 05 2023 10:21 PM
MAYNILA — Ipagbabawal na sa mga food companies simula June 19 ang paggamit ng trans fat sa paggawa, pag-import, at pagbebenta ng kanilang mga produkto, ayon sa Department of Health (DOH) at Food and Drug Association (FDA).
Ginagamit ang trans fat para ma-improve ang lasa, texture, at mapahaba ang shelf life ng mga processed food.
Ngunit sabi ng mga eksperto, hindi ito maganda sa kalusugan dahil napatataas nito ang bad cholesterol at napabababa naman ang good cholesterol ng katawan na nagiging sanhi ng iba’t ibang uri ng karamdaman tulad ng sakit sa puso.
Ilan sa mga produktong may trans fat ay non-dairy coffee creamer, kape, tinapay, frozen foods, at iba pang pagkain na industrially produced na hinahaluan ng trans fatty acid.
Kaya ang payo ng DOH at iba pang eksperto na laging i-check ang label ng mga binibiling pagkain.
— Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino