MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: Diskarte sa budget at pagluluto
ABS-CBN News
Posted at Jun 03 2023 05:58 PM
MAYNILA — Sa taas ng bilihin, ano-anong diskarte sa pagluluto ng pinamalengke ang ginagawa mo?
Sa Galas Market sa Quezon City, kanya-kanyang paraan ang mga mamimili na pagkasyahin ang budget sa pagkain ng kanilang pamilya.
Halimbawa, puwedeng ipaksiw ang isda. Isa-sarciado naman kinabukasan ang natirang piniritong isda samantalang hahaluan ng miswa ang de latang sardinas para mas marami ang makakain.
Inirekomenda rin na haluan ng dilis ang ginisang repolyo kesa karne at sahugan ng bawang, sibuyas, kamatis ang piniritong itlog.
—Ulat ni Doris Bigornia, Patrol ng Pilipino