MULTIMEDIA
Angel Locsin: 'Why I choose to stay'
Jeff Canoy, ABS-CBN News
Posted at Jul 10 2021 09:07 AM | Updated as of Jul 10 2021 01:52 PM
This article is part of a series commemorating the House of Representatives' 70-11 vote on July 10, 2020 rejecting ABS-CBN's franchise renewal.
It was July 10 and the axe had just fallen.
It had been weeks of public hearings, months of agony over the fate of the company and years of living with a threat of a shutdown over our heads. A trauma tailor-fit to last a lifetime.
Seventy lawmakers denied the network its franchise to air on free TV and radio.
Journalists who had gathered and monitored the proceedings at the ABS-CBN newsroom were stunned. For people who made a living out of words, there were none. Some doubted the finality of the decision.
“Killed.”
The term blasted and echoed from every monitor in the newsroom. That’s what the vote meant. And any other reservations on its meaning were laid to rest.
“Killed.”
All emotions kept in, reserved and measured in the weeks leading up to the decision finally burst out in the open. The dam couldn’t and wouldn’t hold. The façade of fortitude that many tried to build finally cracked. The tears came and grief inundated the room and found many of the employees gasping for air.
I stepped outside of the newsroom to breathe. The past months leading up to the “kill” felt like slow death and finally, I thought, this was hell.
Then came Angel.
Right outside the building was Angel Locsin— the actress, host, humanitarian and one of the biggest stars in the country. She was sitting in her car, stunned as we all were.
She waved and asked if what she had heard on the radio was true. I nodded.
Jeff Canoy, ABS-CBN News
She held on to the cardboard that she had brought with her. It had the words: “Give us a chance to be better.”
“Dito lang muna ako,” she said.
Angel sat in that car for hours so she could join another protest.
She waited for anyone to show up outside the network’s compound. Anyone who would come and scream and express outrage over what just happened. Anyone who needed to be consoled. Anyone who needed to feel that they were not alone on that day.
That night, Angel was joined by many who trooped to the compound to show support.
It has been a year since.
Angel is still with the network and she’s once again waiting. Waiting for the network to return to the airwaves. And for that chance to be better.
The following interview was conducted via Zoom and has been edited for this piece.
****
JEFF CANOY: Pwedeng pa-kwento ‘yong July 10 at binaba 'yong desisyon na patayin ang prangkisa ng ABS-CBN. Nasaan ka noon at ano 'yong unang tumakbo sa isip mo noong marinig na ang desisyon na hindi na ire-renew ang prangkisa?
ANGEL LOCSIN: I think July 10 nagsimula 'yong araw namin na nag-punta kami sa may Commonwealth to - to heed with our congressman na sana i renew 'yong franchise natin. Walang nag usap-usap talaga. Walang instructions from our bosses. 'Yong mga kapwa empleyado lang din doon, 'yong mga ka-trabaho ko, 'yong parang kapag may nakita kang post or text parang, "Halika, punta tayo!" So, pumunta kami doon. Magugulat ka na lang sa mga sinong taong makikita mo doon 'eh na, "Ay nandito ka? Nandito ka!" Nagkaroon tayo ng parang peaceful motorcade doon. May mga nagbubusina na mga tao na nakikisimpatya lang sa atin at tayo naroon lang sa labas ng gate. Nakikidalamhati at nakikiisa. Pagkatapos, pumunta ako ng ABS-CBN at doon…'yong mga tao, pumunta rin at nagpakita lang sila ng suporta. Napaka-hopeful ng moment na 'yon. Pakiramdam ko noon ay mapapakinggan tayo ng ating mga kongresista. Mabigyan tayo ng chance. Pakiramdam ko na kung anuman 'yong mga sinasabi nila na kailangan ng pagbabago dahil 'yong industriya nga natin ay unique ay pagkakataon na maayos na, ayusin hindi buwagin. Ayusin at pakinggan pero hindi isara lalo na't nasa gitna ng pandemya.
JC: Noong nalaman mo na ‘yong desisyon?
AL: ‘Yong dumating na ang balita na napag-desisyunan na nga na hindi ire-renew 'yung ABS-CBN [franchise], grabe ‘yong...grabe ‘yong lungkot. Walang nagsasalita pero makikita mo sa paligid, mga empleyado natin. Kapag inaalala ko siya nangingilabot pa rin talaga ako kasi nakita ko first hand kung paano nanlumo 'yung mga tao. At empleyado ng ABS-CBN na mawawalan sila ng kabuhayan para sa pamilya. 'Yong kagustuhan mo to serve, parang wala ka nang audience. Kahit ako yata napaupo na lang ako sa sidewalk noon kasi, nanghina na ako 'eh. Nanghinayang ako doon sa oportunidad, 'di ba? Na sana inayos... na sana hindi pinatay... na sana inayos natin. Kasi ang isang kompanya... ako naniniwala na walang perpektong kompanya, 'di ba? Pero kung magkakaroon tayo ng healthy na paguusap, may paraan para maayos. Nanghihinayang ako sa pagkakataon na... bihira lang kasi natututukan ng industriya natin 'eh. Saka iilan lang naman talaga 'yong mga may kapangyarihan d'yan, so sana ginamit para makinig lahat, pero hindi 'eh pinatay tayo.
JC: 'Yong time na 'yon, hindi maraming artista ang lumabas at nagpapakita ng saloobin at kaunti lang nag-salita dahil ang balik ay may mga trolls at bashers…
AL: Yeah.
JC: Was that something you also considered or thought about noong time na nagsalita ka?
AL: Alam ko naman na maba-bash ako noon. Kaya maraming hindi nagsasalita 'eh kasi takot 'din. Pwede ring hindi ako magsasalita. pero kung hindi ko gagawin, sino gagawa? Hindi ko kayang makitang tumitig sa mata ng mga ka-trabaho ko na hindi ko man lang sila naipaglaban, na parang sa ilang taon na pinagsamahan namin 'yon na 'yon? Parang walang malasakit. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensiya ko kaya kahit alam kong maba-bash ako… takot ako at alam kong may kapalit pero iyon ang tingin kong tama na gawin.
JC: Why do you think it was important for the celebrities to speak out at the time?
AL: Ito 'yong industriya natin. Dito tayo nabubuhay. Dito tayo nakapagpundar ng mga ari-arian natin. Dito natin napag-aral 'yong mga kapatid natin o anak natin, pamilya natin. Dito tayo nabuhay. Bakit hindi natin suklian? May mga taong tumulong sa atin sa mga bawat teleserye… teleserye mo, lahat 'yun apektado 'eh. Kami naman nakaipon kami 'di ba. So bakit hindi ka sumuporta sa kanila?
JC: Pero may mga nagsasabi noon na “artista ka lang”…
AL: Parang ang babaw naman kung ang tingin ay "artista ka lang, mag drama ka lang." 'Di ba? Hindi 'eh. Kung ang artista ay laging kino-contact kapag may eleksyon, meeting de avance, may mga promotion, may mga kailangan ng spread of awareness, bakit hindi mo gamitin 'yong boses mo para ma-ipaglaban mo 'rin 'yong mga nangangailangan, 'yong mga maliliit na tao. Para ipaglaban mo 'rin 'yong tama. Para sa akin lang 'to...na nandyan ka sa isang posisyon na na-bless ka ni Lord tapos hindi mo gagamitin para sa tama, para sa ikakabuti ng lahat Parang napaka-selfish naman noon.
JC: How was the last year for you lalo na 'yong nangyaring retrenchment at pag-stage ninyo ng isang show sa gitna ng pandemic?
AL: Nagsimula ang "Iba 'Yan” noong wala na talaga tayong franchise. Pagdating ko sa set mararamdaman mo talaga na iilan lang 'yung tao. Kunwari ‘yong mga cameraman, hindi sila 'yong regular nakikita mo na every week. Nagtanong ako, "Bakit paiba-iba 'yung tao natin?” Para raw mabigyan ng chance 'yong iba na hindi kumikita. Para umikot. Tapos, sinubukan na i-rescue 'yong lahat pero kailangan talaga na dumating sa punto na kailangang i-retrench na ang sakit-sakit, Jeff. Kasi ito 'yung mga magagaling na tao at 'yong mga taong kasama ko na nag-rally sa ABS-CBN, kasama kong lumaban for ABS-CBN, napaka-loyal pero kailangang i-let go. Sa show namin, ginawa namin ang best namin to save our staff. So with our budget, tulungan na kami. Kung sino mare-rescue namin, ire-rescue namin. Pero hindi namin kayang i-rescue lahat 'di ba? Mahirap 'yon, alam mo Jeff. Sa gitna ng pandemic, alam mo na lahat ng tao naghihirap, mayaman ka man o may negosyo ka o empleyado ka... lahat kami naghu-hustle talaga, so ramdam na ramdam mo talaga 'yung lungkot ng mga tao. Parang 'yong timing, mas nadagdagan 'yong sakit.
JC: Sa hirap ngayon ng sitwasyon, marami ang pinipili na umalis na lang at lumipat o maghanap ng ibang trabaho. Ikaw, why do you choose to stay?
AL: Stay ako dito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan 'yong mga kaibigan o kapamilya. Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap 'di ba? Habang may pinagdadaanan, hindi mo 'yan iiwan kapag mahalaga sa’yo. Habang may pinagdadaanan 'yong ABS-CBN, nandito lang ako. It doesn't mean na nakikita mo akong araw-araw pero I am a Kapamilya pa 'rin. Nandito lang ako. Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon. Siguro ‘yong years na pinagkatiwalaan ako ng tao kahit paano may ipon 'din naman. May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon. Sa ngayon, pwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement. Siyempre ikakasal din ako so asikasuhin ko muna 'yon 'di ba? May mga bagay muna na siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako. Nandito lang ako.
I-add ko lang na wala akong judgment sa mga kailangang lumipat. Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay. Lahat tayo may iba-ibang pinagdadaanan. At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito at 'yan din naman ang gusto ko, ang nasa maayos na kalagayan ang lahat. Ito lang ang naaangkop para sa akin.
JC: Aside from entertainment, very active figure ka rin sa public service ng network and sa volunteerism. May epekto rin ba ‘yong shutdown sa panig na ‘yon?
AL: Alam mo Jeff, sa amin sa "Iba 'Yan" sobrang naramdaman namin kasi napakahirap ng show namin pero malaki 'yung pangarap namin para sa mga nafi-feature namin. Kasi gusto nating mag give back 'eh. Parang pasasalamat sa ating mga Pilipinong kahit sila mismo 'yong nangangailangan ng tulong may nagagawa pa 'rin nilang tumulong sa kapwa at maghatid ng inspirasyon lalo na sa panahong may COVID. Pero dahil wala tayo sa free TV ang hirap makakuha ng sponsors. Kailangan mag-ipon pa kami ng funds para lang… ipagamot namin 'yung mata ng isang subject namin. Tatawag kami sa lahat ng doctor friends namin para lang makapag-sponsor. Gusto man nating bonggahan 'yong mga binibigay natin pero mahirap. Parang sayang kasi iniisip namin kung nasa free TV 'to mas marami pa tayong mare-reach out na kababayan natin, lalo na sa panahong ito na maraming nangangailangan.
JC: Are you still hopeful na someday na maibalik ‘yong prangkisa o makabalik sa ere ang ABS-CBN?
AL: Yes. Lahat naman ay may struggles 'di ba? Pero lahat nagtatapos 'di ba? Baka mabigyan ng pagkakataon na mapakita at maayos kung anuman ang mga dapat ayusin. Naniniwala talaga ako dahil iba 'rin ang clamor ng mga tao. Maraming nakaka-miss.