MULTIMEDIA

‘Nagtampo ang langit’

Karla Estrada

Posted at May 05 2021 03:52 PM

This piece is part of a series to mark the first anniversary of the shutdown of ABS-CBN’s broadcast on free TV and radio which happened May 5, 2020.

Actress and TV host Karla Estrada joins the solidarity event calling for the approval of ABS-CBN's franchise application in front of the network's headquarters in Quezon City on July 10, 2020. Gigie Cruz, ABS-CBN News

Actress and singer Karla Estrada is one-third of the “Momshies”, the trio hosting “Magandang Buhay,” ABS-CBN’s morning talk show since 2016. 

Also dubbed the “Queen Mother” as the mom of actor Daniel Padilla, Estrada has had regular projects with ABS-CBN beginning in 2012.

A stint at the first season of impersonation contest “Your Face Sounds Familiar” in 2015 paved the way for her hosting “Magandang Buhay" with fellow contestants Jolina Magdangal and Melai Cantiveros.

They were among the artists who actively joined marches and motorcades supporting ABS-CBN’s franchise renewal before the pandemic.

This is a transcript of her interview with reporter Anjo Bagaoisan, edited for clarity.

Nasa bahay kami lahat, the entire family. I guess lahat naman aware. Actually, naibigay naman iyon, naibalita na sa amin. I'm not sure kung sa lahat ng artista, pero sa aming family, naibalita iyon.

Shocked. Nalungkot. Sobra ‘yong sadness. Hindi ma-describe e pero malungkot, ‘yong parang namatayan.

'Yong lungkot ko parang hindi ako makapaniwalang mangyayari. ‘Yong lungkot na hindi mayabang, 'yong parang, ganoon, mahirap ma-explain, kasi andaming pinanggagalingan ng damdamin pero isa lang ‘‘yong bottomline ng damdamin—nakakalungkot.

In-embrace lang ako ng mga girls ko. Yakapan lang. Tapos katahimikan.

Medyo matitibay ‘yong mga damdamin namin bilang pamilya. It’s always in times of trouble, medyo tahimik kaming nagyayakapan, na parang ang mensahe ay kakayanin natin lahat ‘yan. Pagsubok lang 'to, dadaan lang ’to.

Pero alam mo ‘yong feeling na parang hindi ka naniniwala pa rin hangga't hindi nagdilim ‘yong TV, hangga’t hindi nag-switch off nang literal?

Ang tagal noong acceptance, 'yong parang hindi ka maniniwala. Parang feeling mo kahit namatay na, maya-maya baka magbukas, magkaroon ng pagbabago sa ‘pag-uusap, magkaroon ng ganito, ganyan. Ang daming hopes pa rin right after ng pagsara.

So ako personally ‘yon ang una kong naramdaman: "Ah okay, mangyayari ito, kailangan lang talagang mangyari ito. Kailangan lang talaga mag-sign off. And then bukas may mangyayari—magbubukas ulit iyan.

Napakahirap tanggapin. Talaga ba? Kasi para sa akin kung may pagkakamali, sa sampu, siyam 'yong maganda. O sabihin na natin pito. Kumbaga lamang pa rin ‘‘yong maayos, ‘‘di ba?

But of course, akin lang 'yon, pananaw ko iyon. ‘Di ko sinasabing talagang perfect.

I was in denial totally. Pag-switch off, pagkawalang-kawala, pagdilim ng TV, I was in denial. I was like, “OK, kailangan gawin ito because in-order.” Until finally, nagsi-sink in na dahan-dahan na wala talaga, ito na talaga ‘‘yong reality, nagsasara na talaga ‘yong network.

Kaming mga momshie talagang nag-aalala for our family, co-workers, sa company, ABS-CBN. 

Ako, talagang masasabi ko lahat ng lumabas sa damdamin ko noon was just normal— walang overacting, walang underacting, normal na kailangan mong maiyak, kailangan mong mag-alala, magulat, magtaka.

I felt na kailangan kong magsalita na kahit papaano doon sa kokonti nating followers ay isa man doon ay ma-touch natin ang heart, ma-inspire, at higit sa lahat, mapakalma.

I was just saying na sana matapos ito and let’s all unite. Walang paninira, isang natural, nagtatrabaho sa kompanyang nagsara, nag-aalalang nanay, isang natural na damdamin ang nilabas natin. Magandang naman ang reception, but it was just a simple gesture na sana sa mga momshies natin na na makapanood, na-inspire natin sila.

Ang maganda doon, ang daling nakabangon, and then after, triny namin lumabas, nasa social media na kami after a few months.

We felt that we were needed to be heard by the momshies again. Mabuhay ang mga momshies na nakasubaybay sa “Magandang Buhay” dahil nakasanayan nilang masaya ‘yong umaga nila, so we decided to go on air through social media. Ayun, edi balik saya.

Kulang na kulang dahil alam natin na hindi natin naaabot ang mas marami nating mga kababayan lalo na ang mga nasa liblib na lugar sa mga probinsya na wala naman talagang signal ng internet. 

Iba pa rin talaga ang may free TV ka na nilalabasan, kahit mag-isang TV lang ‘‘yan sa isang barangay, lahat pumupunta doon para mapanood kayo.

‘Yon lang naman talaga ang kulang, na medyo nalimitahan ang ating mga tagapanood.

But to top it all, hangga’t mayroong paraan para mapanood tayo, nagagawan naman natin ng paraan, at nakakapaghatid pa rin tayo ng saya. 

Sa akin naman, kung mahirap abutin, kung sa tingin mo hindi mo naaabot, gawan mo ng paraan na kung sa 10 tao may 8 maabot, kaysa naman sa wala.

One year ago, it was parang literally nagtampo ang langit para sa akin— ‘yon lang ang tingin ko doon.

For me, maraming binigay na lesson at saka inspiration ‘yong nangyari noong May 5. 

Maraming leksyon na dapat matutunan, maraming kailangan baguhin, pero marami ding dapat na ipaglaban— more so doon sa mga taong feeling nila nawalan talaga sila ng kasiyahan, kasi nakasanayan e, ‘yong pagbukas mo mapapanood mo, tapos biglang biglaan tinanggalan ka ng kasiyahan, masakit.

After one year here we are, ang daming options, ang daming nagbukas na doors for us. And higit sa lahat, nandito pa rin tayo, tuloy-tuloy na nagpapasaya. 

I guess tuloy lang ‘yong buhay after May 5, and then we’ll see. Still hoping and praying na maging OK ang lahat.