MULTIMEDIA

All eyes on Studio 7: 'Lahat kami tahimik'

Niño Garcia, ABS-CBN News

Posted at May 04 2021 08:38 PM | Updated as of May 06 2021 04:05 PM

This piece is part of a series to mark the first anniversary of the shutdown of ABS-CBN’s broadcast on free TV and radio which happened May 5, 2020.

Floor director Niño Garcia manned the TV Patrol studio on May 7, 2020, when the flagship newscast returned for online streaming two days after its main platform, ABS-CBN Channel 2, was shut down. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Niño Garcia is a floor director for ABS-CBN’s newscasts. He manned the set in Studio 7— home of “TV Patrol” and “Bandila”— during the Channel 2 sign-off.

From the studio came the last live voice heard on the network that day— anchor Noli De Castro, vowing with the words of news chief Ging Reyes: “Hindi namin kayo tatalikuran.”

He is still with the network, 2021 being his 24th year as a Kapamilya.

This is a transcript of audio recordings he made for this project, edited for brevity.

Noong May 5, noong una parang normal lang naman, tipikal na airing day, papasok sina Kabayan (Noli De Castro), magpu-proofread. Fast forward, may mga stories na tayo noon na medyo emotionally triggering, meaning hindi naman malungkot pero nakakainis, that’s the thing. 

May mga reactions na ang mga anchors. Nahihirapan kami noon. May mga lead-ins na ayaw basahin ni Kabayan, minsan ayaw ding basahin ni Sir Ted (Failon). So mayroon kaming problema doon na kahit naka-assign kay Kabayan pero ‘pag nabasa niya ‘yong thought, “Kay Ted mo na lang ipabasa,” and vice versa. So minsan ang nagiging ending, si Ate B ang babasa.

Pero that day, dahil medyo may tension na at may pressure na—meaning pressure in the sense na may nararamdaman na hindi mo ma-explain— siguro ganoon din ang mga anchor. Interpretation ko lang din naman. 

Mararamdaman mo rin sa kanila na every lead-in, lagi kaming may conversations, may side comments, may mga ganoon, tapos nag-uusap sila after mag-lead-in. Halimbawa, nag-lead-in si Sir Ted, pagpunta niya sa upuan, may usapan sila ni Kabayan, may topic sila.

Fast forward ulit: Bago pa mag-last body (ng Patrol), mayroon na kaming na-receive na info galing sa control booth. 


“Wait tayo, may i-a-announce, hindi pa ready.” 

“Sige, sino magli-lead-in, si Kabayan na ba?” 

Hanggang sa alam na naming may mangyayaring malaki. 

Not sure, pero may hint na kami na possible na bumitaw tayo that night, kumbaga “that’s it” na. So lalong nagkaroon ng tensyon. Lalong tahimik ang mga tao. 

Noong last commercial bago mag-last body, doon na namin naramdaman, kaming mga technicals kasama na ako, iba na ‘to. 

Kasi sumilip sila CLK (President and CEO Carlo Katigbak), si Ma’am Cory Vidanes, si sir Mark Lopez, nag-hi. Hi-hello lang sila. 

Pero makikita mo ha, of all the times bakit ngayon? So may nararamdaman na kaming hindi usual, pero siyempre, show must go on, so tuloy lang. 

Tapos mayroon na silang mga mahihinang usapan— meaning, si Kabayan lang, tapos si Sir Ted, [didikit lang siya nang konti]... kay Ma’am Cory tapos may binubulong si Ma’am Cory.

So heto na, nag-commercial na. 

Tensyonado na sa taas. 

Maingay na. May mga [sabi] na, “Wait lang, saan pupuwesto?” ganoon. 

Madidinig mo sa commu (headset) noon na nagsasabi si direk na: 

“O standby na, papuwestuhin niyo na. ‘Yong prompter, kumusta?” 

“Wait lang po, mayroon pang inu-update.” 

“Bakit antagal?”

Tapos sinabi ng lahat na: 

“Si Ma’am Ging, si Ma’am Ging ang nagsusulat ng extro!” 

Iyon. Ako personally, may ramdam na ako. Ramdam ko na ‘yong huli.

Hindi ‘yon na-rehearse. Usually kasi na kapag walang hardcopy, ipapabasa mo through the prompter. Pero that time, dahil rush iyong sulat, wala na kaming time na basahin o i-proofread ni Kabayan para makita niya kung ano ‘yong ganito, ganoon.

Puwestuhan lang kami, as in, puwesto, puwesto. Then that’s it.

Watch more in iWantv or TFC.tv

That’s why feeling ko ganoon ka-striking. Biglang nag-sink-in din kay Kabayan noong binabasa na niya iyong lead-in na wala nang rehearse iyon.

Hindi iyon na-proofread, hindi iyon tiningnan muna kung ano ang mga words na puwede niyang palitan, kasi usual niyang ginagawa iyon. 

And then, nangyari na. Noong sinasabi ni Kabayan iyon, walang nagsasalita sa studio. Even sa control, lahat tahimik. Kasi kami binabasa din namin ang prompter on our own.

Kung si Kabayan nagsasalita at medyo nangangatal na ang boses niya, si Sir Ted napapansin ko noon yumuko na. Teary-eyed si Sir Ted noon pero nakayuko siya, tapos magkahawak ang kamay sa harap niya. 

Si Ate B, nakayuko. Parang ayaw nilang magpakita ng emosyon, pero nararamdaman ko noon e, nakikita ko sa kanila na parang anytime bibigay sila.

Si Kabayan, na-compose pa niya ang sarili niya. Pero noong ide-deliver na niya ang last words na isasara, iba. Iba. Iba. It was all natural. 

Kasi nga, hindi mo iyon prinactice, hindi mo iyon binasa, hindi mo iyon nakita na alam mo na ang babasahin mo, which he usually does (ang point niya kasi noon, bumagsak man ang prompter alam niya ang topic at nag-a-adlib siya along the way). 

Pero iyon, word-for-word sinabi niya. At alam din niya noong time na iyon na si Ma’am Ging ang nagsulat noon.

Lahat kami tahimik, kasi lahat kami nagbabasa sa prompter. ‘Pag tiningnan mo ang mga cameraman, iiling-iling. Iyong mga lightman, nakatingin lahat sa prompter.

Nasanay kami na after extro, eere ang “Probinsyano”. Or ‘pag extro, magkukulitan na, “Saan kakain?” May magpapakuha na ng rice sa cafeteria. Tapos sila Kabayan magka-kantiyawan na iyon, kung ano ang last banter kasi usually iyon ang kantiyawan.

Pero that time, super, super tahimik.

Ging Reyes gives last minute instructions to news anchor Noli De Castro before the latter's closing statement on the final broadcast of TV Patrol before the ABS-CBN shutdown. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

Kabayan did what he usually does— tatanggalin ang suot niya, ang lapel, tinatanggal niya sa floor iyon mismo. 

Pero habang tinatanggal niya iyon, tahimik siya, as in tahimik. Wala siyang binitaw na kahit isang word na “O, ingat kayo. Badet, ingat.” Hinuhubad niya iyon nakayuko siya. Inaabot niya doon sa driver niya, iyong suit. Wala, walang emosyon, walang sinabi. 

Habang lumalakad sila palabas, ‘yong mga anchors, tahimik kami. Hindi pa kami nagpa-pack up noon, kasi para bang naghihintay ka ng susunod na command. Naghihintay ka ng susunod na sasabihin.

Para kaming mga bata na naghihintay ng, “Tay, ano na po? Tay, kakain na po ba, aalis na ba tayo?”’ Yong pakiramdam na iyong tatay mo nagbibihis, aalis ba, o may sasabihin ba na magbibilin— wala.

And noong nakita namin iyong color bars noong time na iyon, mura ako nang mura noon. 

“T******, bakit? T******!” sabi ko.

Ambigat. Siguro mga 5 minutes walang kumikilos. Para bang ayaw mong ligpitin. Parang ayaw mong i-pack-up ‘yong set kasi, “Hindi, hindi ito totoo. Hindi ito nangyayari. Joke ba ‘to?” 

Kabayan went straight sa lobby, sa sasakyan niya. Alam ko si Sir Ted dumiretso sa newsroom. Si Ate B nagkulong sa makeup room. 

Hindi ko alam kung pupunta ako ng newsroom, magsi-stay ba sa studio, aakyat sa control. Lahat nagtatanungan noon. 

“Ano’ng gagawin?”

“Nins, ano ba’ng sabi nila?”

Una, ayaw mong maniwala. Ayaw mong i-accept. Parang may denial ka na: 

“Hindi, hindi ko nadinig iyon.”

Iyong pangalawang emosyon o mood, pilit mong sinasabi sa sarili mo na:

“Hindi, ano ‘to, may plano tayo.” 

“Hindi, ganito ‘to.” 

“Sige lang, sige lang, sa inyo ‘tong araw na ‘to. Mayroong bukas.”

Iyong katahimikan noon, silence of so many reasons. Silence, meaning, kaya ka tahimik, hindi mo alam ang nangyayari. Kaya ka tahimik, ayaw mong tanggapin kung ano ang nadinig mo o nakita mo. Tahimik ka, kasi, you know ABS-CBN is ABS-CBN. Parang hindi nangyayari ‘to.

Andaming tanong, sobrang daming emosyon, pero iisa lang ang pinakamatindi.

Personal kong nararamdaman, galit na, “Hindi pwedeng ganito. Hindi sa ganito lang.” Hindi ko nakita ‘yong pagtatapos ng career ko sa ABS nang ganito. 

Iba na ang nai-store sa akin ng ABS. Mahal na mahal ko ang ABS, kasi ‘yon ang pinapakain ko sa pamilya ko. Sa kanila galing ang kung ano ako. Saka, one way or the other, nanuot na sa dugo ko ang pagiging “ABS-CBN”. If it is good or bad, whatever, both sides, nasa akin na iyon. Part ko na iyon. 

Siguro I can say it goes sa bawat taong nandoon sa studio, kasi halos karamihan naman ng nasa studio are almost all veterans na. Matatagal na rin sa serbisyo at much more, matatagal na sa ABS. 

That day, parang ayaw mong isara ang studio, iligpit ang gamit. Parang dati, gustong-gusto mo ‘pag tapos na, ligpit na, kakain na, magba-Bandila na, or mag-(News) Advisory na. 

Pero on that day, hindi mo alam kung kasabay ba ng pagsasara na iyon is pagbagsak or pagsasara na rin ng kinabukasan ng pamilya mo, kinabukasan mo.