MULTIMEDIA

Presyo ng mga Gamit Pang-eskuwela: 2018 vs 2019

By Kia Obang, ABS-CBN Investigative & Research Group, Graphics by Jayvery Lorenzana, ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 10:26 AM | Updated as of May 30 2019 01:01 PM

Pasukan na naman sa susunod na linggo. Siguradong namimili na ng mga gamit pang-eskuwela ang mga magulang. 

Kailangang magtipid, dahil ayon sa taunang listahan ng Department of Trade and Industry ng suggested retail prices o SRP ng sampung pinakamahalagang gamit pang-eskuwela, nagtaasan ang presyo ng mga ito ngayong taon kumpara noong 2018. Kasama na rito ang lapis, pantasa, pambura, ballpen, writing pad, intermediate pad, composition notebook, writing notebook, spiral notebook at krayola.

Pinakamalaki ang itinaas ng presyo ng pantasa, mula sa P9.83 noong 2018, tumaas ang average price nito sa P15.25 ngayong taon o 55 porsiyento. Tumaas din ang presyo ng isang pakete ng tatlong lapis (43%) at intermediate pad (26%).

Kinuwenta ng ABS-CBN ang pagtaas ng presyo ng mga gamit pang-eskuwela sa pamamagitan ng pagkuwenta ng average SRP ng bawat klase ng materyales na may magkakaparehong unit kahit ano pa ang tatak ng mga ito, halimbawa, notebook na may 80 pahina o isang kahon ng krayola na may 16 piraso. 
 
Tingnan kung gaano ang itinaas ng presyo ng mga gamit pang-eskuwela sa infographic na ito.