PatrolPH

FACT CHECK: Walang alok na mass hiring ang DSWD sa publiko

ABS-CBN Investigative and Research Group

Posted at Nov 29 2022 05:44 PM

FACT CHECK

Hindi totoong nag-aalok ng mass hiring bilang tulong ang Department of Social Welfare and Development. 

Ito ay taliwas sa isang post sa isang Facebook group na may pangalang “DSWD Educational Assistance Update.”

Sa isang pahayag na ipinost ng DSWD sa kanilang opisyal na Facebook page, sinabi nilang wala silang ganitong alok para sa publiko. 

Ayon sa ahensiya, walang ugnayan sa kanila ang nasabing Facebook group na naglalaman ng maling impormasyon.

 

Hindi na aktibo ang Facebook group na ipinost ng DSWD na mayroong mahigit 200,000 miyembro. Ngunit maliban sa grupong ito, mayroon pang dalawang public Facebook group na mayroong pangalang “DSWD Educational Assistance Update.” Ang isa ay mayroong 50,000 na miyembro, samantalang ang isa naman ay 15,000.

FACT CHECK

Sinasabi sa about page ng isang grupo na magpalista at magregister sa pamamagitan ng isang link. Karugtong nito ang paghingi ng Gcash o Smart padala number ng sinumang magpaparehistro.

FACT CHECK

Payo ng DWSD, “mag-ingat sa pag-click o pagbubukas ng mga link sa post ng mga hindi beripikadong accounts lalo’t naglipana ngayon ang mga scammer, na layong manglamang sa kapwa.” Dagdag pa nila, mas makakabuting i-report ang mga social media site na nagpapakalat ng maling impormasyon.

Mariing paalala nila sa publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na account ng DSWD na may handle na @dswdserves. Bukod dito at sa Facebook page ng kanilang regional offices, walang ugnayan ang DSWD sa ibang mga social media account.

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.