MAYNILA — Sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, ipinakilala ang mga imbensyong gawang-Pinoy na layong makatipid sa konsumo sa krudo at mabawasan ang polusyon sa hangin.
Ito ang Wonderlube ni Ricky Punzalan, Nuvitron ni Patricio Cabauatan at Highmax Turbo Power Simulator ni Jun De Jesus.
Tinatayang nasa P24,000 ang presyo ng tatlong produkto kaya pabor ang mga jeepney driver dito. Anila, malaking menos ito sa gagastusin nila kumpara sa pagbili ng sasakyang sang-ayon sa PUV Modernization Program.
Bagama’t ikinatuwa ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang mga imbensyon, mungkahi niyang pag-aralan pa nang mas mabuti ang bisa ng mga ito.
[Bold: —Ulat ni Andrea Taguines, Patrol ng Pilipino]
[LINK: https://news.abs-cbn.com/business/09/08/23/dbm-releases-p3-billion-for-fuel-subsidy]
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.