MAYNILA – Sakop ng lifeline subsidy program ng Meralco at iba pang electric cooperatives sa bansa ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga nasa marginalized sector ng bansa.
Layon nito na makapagbigay ng 20 hanggang 100 porsyentong discount sa kanilang electric bill.
Hindi dapat lalagpas sa 100 kWh ang buwanang konsumo ng kuryente para makakuha ng diskwento.
Kaya naman hindi pwedeng maging benepisyaryo ng programa kung may nakikikabit halimbawa sa iyong suplay na makapagtataas ng higit 100kWh na konsumo ng kuryente.
Sa kasalukuyan, higit 58,000 pa lamang mula sa apat na milyong miyembro ng 4Ps ang rehistrado sa subsidy program.
Piinalawig hanggang Enero sa susunod na taon ang pagpaparehistro.
– Ulat ni Alvin Elchico, Patrol ng Pilipino
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.