BALIKAN: Pag-alala, karanasan ng mga Pinoy sa '9/11 terror attacks'

ABS-CBN News

Posted at Sep 11 2021 01:46 PM | Updated as of Sep 11 2021 09:02 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Pinangunahan ng 19 na miyembro ng grupong al-Qaeda ang pagsalpok ng mga na-hijack nilang eroplano sa Twin Towers ng World Trade Center sa New York City, sa gusali ng Pentagon malapit sa Washington D.C. at sa isang palayan sa Shanksville, Pennsylvania noong Setyembre 11, 2001. 

Halos 3,000 katao, kabilang ang ilang Pilipino, ang nasawi sa pagbagsak ng Twin Towers. Nasira naman ang bahagi ng Pentagon, at nag-crash sa palayan ng Pennsylvania ang eroplano matapos manlaban ang mga pasahero nito. 

Taong 2002, bago ang unang anibersaryo ng tinaguriang '9/11 terror attacks,' nagtungo ang grupo ng ABS-CBN News team sa pangunguna nina Karen Davila at Abner Mercado sa 'Ground Zero' kung saan bumagsak ang Twin Towers ng World Trade Center.

Nakapanayam nina Davila at Mercado ang ilan sa mga Pilipinong nakasaksi sa malupit na trahedya, at ang mga naiwan ng mga Pinoy na nasawi. 

Paano nga ba sila unti-unting bumangon mula sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng mundo?

Panoorin ang espesyal na dokumentaryong 'Ground Zero' ng programang The Correspondents, na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Setyembre 2002.

RELATED LINKS