MAYNILA – Umapela ngayong Miyerkoles ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pamahalaan na payagan nang makapag-operate ang mga casino at iba pang lehitimong sugalan sa Metro Manila para maipagpatuloy ng ahensiya ang tulong sa mga sinusuportahang may sakit.
Sa isang media forum, sinabi ni PAGCOR Chairman and Chief Executive Officer Andrea Domingo na humiling na siya sa sa Inter-Agency Task Force (IATF) para magkaroon ng partial operation, partikular sa Entertainment City kung saan galing ang higit 90 porsyentong kita ng ahensya.
“Kaya nag-appeal kami kung puwede kaming mag-partial operation kasi ’yon ngang sa Universal Health Care. I really feel very bad kasi biro mo before, 2019, 2 years ago, nakaka-contribute na kami ng P18 billion. Kung hindi nag-pandemic, ang makaka-contribute kami ng P50 billion sa national treasury at 50 percent no’n sa UHC,” ani Domingo.
“Ang nangyari, siyempre nagpandemic, nagsara, P8 billion lang ang (na-contribute namin) nitong 2020. Pero ngayon kasing 2021, ‘pag hindi nag-improve, hindi kami aabot ng P5 billion. ’Pag nangyari ’yon, siyempre apektado ang health service at healthcare ng buong bansa,” dagdag niya.
Kabilang aniya sa mga binibigyan ng financial assistance ng PAGCOR ay ang mga nagpapagamot sa mga malalalang sakit, tulad ng kanser at sakit sa bato gayundin ang mga pulis at sundalo na nasugatan.
Ayon kay Domingo, nasa P2 million kada buwan na lang ang budget ng PAGCOR para sa financial assistance ngayong taon.
“For me, I feel guilty that I will not do anything if I do not respond to what I am seeing: the financials, the depletion and manpower, the loss of jobs and the effects of this on the national health. So, talagang nangungulit ako,” ani Domingo.
Ayon kay Domingo, bumagsak ang gaming revenues ng PAGCOR sa P30 billion noong 2020 mula P80 billion noong 2019.
Inaasahan ni Domingo na hindi tataas sa P17 billion ang kita ngayong 2021 kung magpapatuloy ang pagsasara ng malalaking casino sa Metro Manila.
Inaasahang ngayong gabi ng Miyerkoles ia-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong community quarantine classification sa Metro Manila at 4 na karatig-lalawigna, na kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine.
FROM THE ARCHIVES:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Philippine Amusement and Gaming Corporation, PAGCOR, casino, gaming, gambling, health care funds, NCR Plus MECQ, modified enhanced community quarantine