Fact check: Peke ang 'sex video' ng mga anak ni VP Leni Robredo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Fact check: Peke ang 'sex video' ng mga anak ni VP Leni Robredo

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Apr 18, 2022 05:50 PM PHT

Hindi totoong sex video ng dalawang anak na babae ni Vice President Leni Robredo na si Aika at Tricia Robredo ang laman ng mga links na kumalat sa social media.

Ang mga ito ay dumidiretso lamang sa foreign porn sites o kaya ay hindi nabubuksan at nagba-buffer lang.

Si Aika at Tricia Robredo ang una at pangalawa sa tatlong anak ng bise presidente. Aktibong silang sumasama sa kampanya ni VP Robredo para sa pagkapangulo.

Hindi bababa sa 93 links ng iba’t ibang pornographic sites ang ikinakabit sa magkapatid.

ADVERTISEMENT
Gamit na thumbnail sa ilan dito ang larawan ni Aika Robredo kung saan suot niya ang campaign tshirt ng kanyang ina noong 2016.

Makikita ang number 5 sa t-shirt na siyang numero ni Robredo sa balota nang tumakbo siyang VP.

Ngunit kung susubukang i-click ang mga links, ilan lang ang nagbubukas at hindi makikita sa alin man dito ang magkapatid.

Mayroon ding kasamang virus ang mga link na kapag sinubukang buksan ay makakasira sa laptop o cellphone. Karaniwang ginagamit ang mga porn sites para ikalat ang mga ganitong virus.

Sinabi ng spokesperson ng bise presidente sa isang pahayag noong Abril 11 na malisyosong gawa-gawa lamang ang mga links.

"This is a malicious fabrication and we have reported it to the platforms concerned para matake-down. Our lawyers are studying our options for legal action," ayon kay VP spokesperson Atty. Barry Gutierrez.

Sa isang Tweet noong Abril 11, sinabi naman ni VP Robredo na ang pinakamainam ng panlaban sa fake news ay ang katotohanan. Anim na taon niya na umanong dinaranas ang ganitong klaseng pang-aatake.

"The best antidote to fake news is truth," ani Robredo.