Higit 120,000 aksidente naitala sa Metro Manila noong 2019: MMDA

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 11:52 PM

MAYNILA - Aabot sa 121,771 ang naitalang aksidente sa Metro Manila noong 2019, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). 

Batay sa annual Road Crash report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mas mataas ito sa 116,906 na aksidenteng naitala noong 2018. 

Higit 370 ang fatal at lagpas 20,000 ang non-fatal sa mga aksidente noong 2019. Nagdulot ng damage to property naman ang mahigit 100,000 dito.

Kabilang sa mga sasakyan na nasangkot sa mga aksidente ang pedicab, motorsiklo, kotse, jeep, taxi, bus, truck, at van. 

Nangyari sa EDSA, C5, Commonwealth, Roxas Boulevard, Marcos Highway, Quezon Avenue at R10 ang aabot sa 40,511 sa mga naitalang aksidente.

Ayon sa LTFRB, kailangang magpatupad ng safety improvements sa naturang mga lugar upang maiwasan ang mga aksidente.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.