MULTIMEDIA

Patrol ng Pilipino: Denver Nuggets sa NBA Finals, historic

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2023 11:17 AM

Watch more News on iWantTFC

Sa pagsabak nila sa Game 2 ng NBA Finals, riding high ang Denver Nuggets sa buena manong panalo nila noong Game 1.

Pero hindi sila nagpapakampante dahil agresibo rin ang kanilang kalaban na Miami Heat.

Makasaysayan ang finals na ito para sa Nuggets dahil ngayon pa lang sila nakaakyat dito.

At kung masungkit ng Nuggets ang kauna-unahan nilang NBA championship ngayong finals, mapuputol din nila ang 44-year drought sa NBA title ng mga Western Conference teams na hindi galing California o Texas.

Huling nanalo ang ibang West Conference team sa finals noon pang 1979 nang magkampeon ang Seattle Supersonics. 

—Ulat ni Steve Angeles, Patrol ng Pilipino