PatrolPH

TINGNAN: Mimiyuuuh nakiparty kasama ang Ateneo Lady Eagles

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 10:04 PM

MANILA, Philippines—Nagpakitang-gilas ang YouTube sensation na si Mimiyuuuh sa mga miyembro ng Ateneo Lady Eagles nang isambit ang “One Big Fight” sa kaniyang tinaguriang mga “vocalizationisms.”

Matapos itong yayain, o ayon sa kaniyang video na “Wanna play?” ng mga volleybelles bilang special guest, hindi nagpahuli si Mimiyuuuh na magkipagsabayan.

Umaapaw rin sa tuwa si Mimiyuuuh matapos ang nasabing party.

“NAMEET KO BUONG ATENEO LADY EAGLES HUHU!!! MY HEARTUE,” aniya sa kanyang tweet.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.