PatrolPH

Basketball: Blatche lalaro para sa Pinoy club Mighty Sports sa Dubai

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2019 07:03 PM

Matapos matanggal ng maaga ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup, tila magkakaroon na ng pagkakataong bumawi si Andray Blatche sa kaniyang pagbabalik-Pinas.

Sasali si Blatche sa Mighty Sports Philippines para sa darating na 2020 Dubai International Basketball Tournament sa Enero.

Ayon kay Mighty coach Charles Tiu, matagal na nilang gustong makuha ang dating Washington Wizards player.

"I know he’s motivated to have a better showing representing the Philippines. We tried to get them both in the Jones Cup, but it didn’t happen so now we have a chance," ani Tiu sa artikulong lumabas sa Spin.ph.

Makakasama ni Blatche sa Dubai tournament sina Kai Sotto, Dave Ildefonso, at magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liaño.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.